Ano ang 5 Dapat I-check Bago Bumili ng Hybrid Car?

May, 2026 • Mechanigo.ph

Ano ang 5 Dapat I-check Bago Bumili ng Hybrid Car?

Dahil sa taas ng presyo ng gasolina sa Pilipinas, mas maraming car owners ang nagco-consider ng hybrid cars dahil sa tipid sa fuel at modern na technology.

Pero eto ang reality:

Hindi lahat ng secondhand hybrid cars ay sulit.

May mga hidden issues na pwedeng magdulot ng malaking gastos kung hindi mo ito ma-check bago bumili.

Kaya bago ka makipag-deal, narito ang 5 bagay na dapat mong i-check bago bumili ng hybrid car.

1. Hybrid Battery Condition

Isa sa pinakamahalagang parts ng hybrid vehicles ay ang hybrid battery. Ito ang tumutulong sa sasakyan para gumamit ng electric power kasama ng gasoline engine.

Kung secondhand ang bibilhin mo, siguraduhin na ma-check kung:

● Maayos pa ba ang kondisyon ng hybrid battery

● May active Hybrid Battery warning lights ba sa dashboard

● May active fault codes sa Hybrid Control System at Battery Management System na lumalabas sa diagnostic scan

Kapag mahina na ang battery, bababa ang fuel efficiency at possibleng mahal ang replacement cost nito

2. Alamin Kung Anong Klase ng Hybrid Ito (HEV vs PHEV)

● Hindi lahat ng hybrid cars ay pare-pareho.

● May dalawang common types:

HEV (Hybrid Electric Vehicle)

Ito ang tinatawag na full hybrid car. Hindi mo kailangang i-charge sa outlet dahil nagcha-charge ito habang tumatakbo ang sasakyan sa proseso na tinatawag na “regenerative braking”.

PHEV (Plug-in Hybrid Electric Vehicle)

Ang plug in hybrid electric cars ay may mas malaking battery at maaaring i-charge gamit ang outlet o charging station.

Mahalagang malaman ang difference ng HEV vs PHEV dahil magkaiba ang maintenance, charging requirements, at driving range ng mga ito.

3. Engine at Electric Motor Performance

Isa sa mga tanong ng maraming buyers ay: How do hybrid cars work?

Sa hybrid system, may dalawang power sources ang sasakyan:

● Gasoline engine

● Electric motor

Kapag bibili ng secondhand hybrid car, mahalagang ma-check kung maayos ang coordination ng engine at electric motor.

Dapat smooth ang switching between electric mode at gasoline mode habang nagmamaneho.

4. Maintenance History ng Hybrid Car

Tulad ng ibang sasakyan, mahalagang malaman ang maintenance history ng hybrid car.

Check kung:

● Regular ba itong napapa-service

● May mga na-replace na major parts

● May previous repairs ba sa hybrid system

Makakatulong ito para malaman kung maayos ang pag-alaga sa sasakyan ng previous owner.

5. Diagnostic Scan at Vehicle System Check

Sa modern vehicles, maraming hidden issues na hindi makikita sa simpleng visual inspection lang.

Sa pamamagitan ng vehicle system scanning, pwedeng makita kung may:

● Fault codes

● Electrical issues

● Hybrid system problems

● Sensor errors

Ito ang isa sa pinakamahalagang step bago bumili ng hybrid vehicle para maiwasan ang unexpected repairs.

Pros and Cons ng Hybrid Cars

Bago ka bumili, mahalagang maintindihan ang pros and cons of hybrid cars.

Advantages of Hybrid Cars

● Mas matipid sa gasolina

● Mas mababa ang emissions

● Mas tahimik ang takbo

● Ideal para sa city driving

Ito ang ilan sa mga hybrid benefits na dahilan kung bakit maraming drivers ang lumilipat sa hybrid vehicles.

Disadvantages of Hybrid Cars

● Mas mahal ang battery replacement

● Mas complex ang system kumpara sa traditional cars

● Mas mahal ang ibang repairs

Kaya mahalagang siguraduhin na maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumili.

Final Tip Bago Bumili ng Hybrid Car

Kung balak mong bumili ng secondhand hybrid vehicle, mas mabuting ipa-inspect muna ito ng professional mechanic bago ka magdesisyon.

Sa pamamagitan ng Secondhand Car Buying Inspection, pwedeng ma-check ang:

● Hybrid battery condition

● Engine at electric motor performance

● Vehicle system faults

● Flood damage

● Collision history

● Odometer accuracy

Para masigurong alam mo ang tunay na kondisyon ng sasakyan bago bumili.

📅Book your Secondhand Car Buying Inspection now!

📍 Serviceable Areas:

Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910