Ano ang “Talon Casa”? Mga Dapat Mong Malaman Bago Bumili ng Secondhand Car

June, 2026 • Mechanigo.ph

Ano ang “Talon Casa”? Mga Dapat Mong Malaman Bago Bumili ng Secondhand Car

Mas maraming Pilipino ngayon ang pumipili ng secondhand cars dahil mas abot-kaya ito kumpara sa brand-new vehicles. Pero kasabay nito, mas dumadami rin ang mga buyers na nagkakaproblema sa papeles, financing, at ownership ng sasakyan.

Isa sa mga madalas marinig sa secondhand car market ay ang "talon casa."

Maraming first-time buyers ang hindi agad naiintindihan kung ano ito — at kung gaano kalaki ang puwedeng maging problema kapag hindi naging maingat sa pagbili.

Ano ang “Talon Casa”?

Talon casa ang tawag sa sasakyang naibenta o naipasa sa ibang tao kahit hindi pa fully paid ang auto loan nito sa bangko o financing company.

Karaniwan itong nangyayari kapag hindi na kayang ituloy ng original owner ang hulog kaya ipinapasalo o ibinibenta na lang ang unit sa ibang buyer.

Bagama’t may mga legitimate na assume balance transactions, may mga risks pa ring dapat bantayan kapag hindi maayos ang proseso.

Mga Posibleng Problema sa Talon Casa

1. Problema sa OR/CR at Documents

Isa ito sa pinaka-common na issue sa mga talon casa units. Maaaring hindi tugma ang pangalan ng seller sa registered owner o kaya naman ay** kulang ang documents** na kailangan para sa legal transfer of ownership.

Kapag may discrepancy sa OR/CR, puwedeng magkaroon ng problema sa renewal, transfer, o maging sa future resale ng sasakyan.

2. Hindi Approved ang Assume Balance

May mga financing companies na hindi pumapayag sa informal na pagpapasalo ng unit. Kapag walang official approval, posible pa ring habulin ng financing company ang sasakyan kahit ginagamit na ito ng bagong buyer.

3. Posibleng Mahatak o Ma-repossess ang Sasakyan

Kapag may unpaid balance o hindi updated ang hulog sa financing, may risk na mahatak o ma-repossess ang unit.

Ito ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit importante ang proper document verification bago bumili ng secondhand car.

4. Hidden Mechanical Issues

Hindi lang papeles ang dapat bantayan. May mga unit na ibinebenta agad dahil may existing problems na na hindi isinisiwalat ng seller, tulad ng:

● Flood damage - nakakasira sa electrical system, makina, at ilalim ng sasakyan

● Previous collision damage - posibleng may nakatagong structural damage kahit na-repair na ang bodywork

● Overhauled engine - maaaring may major breakdown na naranasan ang unit bago naibenta

● Tampered odometer - tinatago ang totoong mileage ng sasakyan

● Electrical issues - mahirap matukoy sa simpleng pagtingin lang, pero puwedeng maging mahal ang gastos sa pag-aayos nito.

Mga Red Flags na Dapat Mong Bantayan

Bago bumili ng secondhand car, siguraduhing alerto ka sa mga warning signs na ito:

● Hindi tugma ang seller at registered owner

● Open deed of sale lang ang hawak

● Minamadali ka sa pagbili o pagbayad

● Hindi transparent ang payment history

● Walang authorization mula sa financing company

● Ayaw ipakita ang original OR/CR

● Sobrang baba ng presyo kumpara sa market value

Kapag may kahina-hinala sa deal, mas mabuting mag double check muna bago magbayad o bilhin ang sasakyan.

What to Check When Buying 2nd Hand Car

Isa sa pinaka-importanteng tips for buying a used car ay huwag basta mag-rely sa exterior appearance o sa sinasabi lang ng seller. Kahit mukhang maayos ang unit, posible pa ring may hidden issues ito.

Narito ang ilan sa mga dapat mong i-check:

● Original OR/CR

Siguraduhing authentic at updated ang registration papers ng sasakyan.

● Identity ng Registered Owner

I-check kung tugma ang pangalan ng seller sa registered owner at kung may proper authorization kung ibang tao ang kausap mo.

● Updated Payment Records

Kung assume balance ang setup, mahalagang ma-verify kung updated ang hulog at may approval mula sa financing company.

● Authorization from Financing Company

Kung naka-loan pa ang sasakyan o assume balance ang setup, siguraduhing may proper authorization o approval mula sa financing company bago ituloy ang transaction.

Importante itong ma-verify dahil may mga financing companies na hindi pumapayag sa informal na pagpapasalo ng unit. Kapag walang proper approval, posible pa ring magkaroon ng problema sa ownership, transfer, o repossession ng sasakyan

● Overall Condition ng Sasakyan

Hindi sapat na mukhang maganda lang ang unit sa labas. Mahalaga ring ipa-check ang actual condition ng makina, ilalim, electrical system, at iba pang major components.

Bakit Importante ang Secondhand Car Buying Inspection?

Sa pamamagitan ng professional Secondhand Car Buying Inspection, mas malalaman mo ang totoong kondisyon ng unit bago ka bumili.

Makakatulong ito para ma-detect kung may hidden damage, signs ng flooding, collision history, tampered odometer, o iba pang existing issues na posibleng pagmulan ng malaking gastos sa future repairs.

Document Verification

Bukod sa physical inspection ng sasakyan, importante ring ma-check ang legal status at authenticity ng documents bago bumili ng secondhand car.

Sa MechaniGo.ph Document Verification, puwedeng ma-verify ang mga sumusunod:

✅ Kung genuine ang registration papers

✅ Correct vehicle and owner information

✅ Ownership history

✅ Latest renewal status

✅ Records of theft, alarms, o traffic violations

Ito ang isa sa pinakamahalagang steps para makaiwas sa problemadong “talon casa” transactions at para masigurong maayos ang documents bago bumili ng sasakyan.

📅 Book your Secondhand Car Buying Inspection today!

📍 Serviceable Areas:

Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga • Batangas

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910