
April, 2026 • Mechanigo.ph
Beyond OR/CR: Bakit Importante ang Alarm at Apprehension Records sa Used Car
Sa pagbili ng used car sa Pilipinas, karamihan ng buyers ay nakatingin lang sa OR/CR at sa kondisyon ng sasakyan. Kapag kumpleto ang dokumento at maayos ang takbo ng kotse, iniisip ng marami na safe na itong bilhin.
Pero ang totoo, may isa pang mahalagang bagay na dapat i-check na hindi agad nakikita sa papel — ang Alarm at Apprehension records sa LTO system.
Ito ang mga detalye na madalas nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ang bagong may-ari pagkatapos itong bilhin.
May Mga Issue na Hindi Lumalabas sa OR/CR
● System “alarm” na naka-tag sa plaka
● Unpaid violations na hindi naka-reflect sa papel
● Pending cases o restrictions sa rehistro
Pwedeng malinis tignan ang documents pero sa LTO database may nakatag na problema. Dito maguugulat ang maraming buyers.
Ang Apprehension Record ay Kadalasang Naka-Link sa Sasakyan
Kapag may traffic violation ang isang sasakyan, kadalasan itong naka-record gamit ang plate number o vehicle details.
Ibig sabihin:
● Lahat ng violations gamit ang sasakyan ay maaaring ma-record sa system
● Kahit hindi ikaw ang driver noong nangyari ang violation, lalabas pa rin ito sa vehicle record
● Posibleng ikaw ang maabala sa pag-aayos kapag ikaw na ang bagong may-ari
Karaniwan itong lumalabas kapag ikaw na ang magpo-process ng transfer of ownership o vehicle registration renewal.
Kapag May Alarm ang Sasakyan, Posibleng Maapektuhan ang Mga Transaksyon sa LTO
Ang LTO alarm ay system flag na nag-iindicate na may pending issue ang sasakyan na kailangang ayusin bago ma-process ang ilang transactions.
Kapag may active alarm ang vehicle record, maaaring:
● Hindi ma-process ang registration renewal
● Hindi ma-transfer ang vehicle ownership
● Kailangan munang i-clear ang issue bago ma-update ang record
Sa madaling salita, kahit nabili mo na ang sasakyan, maaaring hindi agad maayos ang mga legal na proseso kung may alarm sa system.
May Mga Apprehension na Mas Seryoso Kaysa Karaniwang Traffic Ticket
Hindi lahat ng apprehension ay simpleng violation lang.
May mga kaso na mas mabigat, tulad ng:
● Impounding records
● Reckless driving or hit-and-run related incidents
● Police or enforcement agency reports na naka-link sa sasakyan
Kung hindi ito na-check bago bilhin ang sasakyan, maaaring magdulot ito ng legal at administrative na problema sa bagong may-ari.
Hindi Sapat ang Sabi ng Seller o Itsura ng Kotse
Kahit mukhang maayos ang sasakyan at sinasabing malinis ang record nito, hindi pa rin ito sapat na basehan.
May mga pagkakataon na:
● Hindi alam ng seller ang tunay na status ng vehicle record
● May mga detalye na hindi agad sinasabi sa buyer
● Hindi updated ang impormasyon sa hawak na dokumento
Ang database verification pa rin ang pinaka-maaasahang paraan para malaman ang tunay na status ng sasakyan.
Ang pinaka-basehan ay hindi salita o papel — kundi ang record sa LTO.
Final Tip
Sa pagbili ng secondhand car, tandaan na hindi lang OR/CR ang sukatan ng “malinis” na sasakyan.
Mas mahalagang siguraduhin na malinis din ang record ng sasakyan sa system — kabilang ang alarm at apprehension history.
Kapag maayos ang kondisyon ng kotse at malinaw ang records nito, mas kampante kang masasabi na safe ang iyong pagbili.
I-check din ang Sasakyan Bago Bumili
Bukod sa legal records, mahalaga ring masuri ang aktwal na kondisyon ng sasakyan para maiwasan ang hidden issues tulad ng:
● Engine problems
● Flood damage
● Collision history
● Tampered odometer
● Hidden mechanical issues
Sa MechaniGo.ph Secondhand Car Buying Inspection, sinusuri ng professional mechanic ang sasakyan gamit ang 179-point inspection at vehicle system scanning para matulungan kang makagawa ng mas informed na decision bago bumili.
📅 Book your Secondhand Car Buying Inspection today!
📍 Serviceable Areas:
Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga
📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule
📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910