Biglang Pina-Stop ni Seller ang Inspection at Nagalit sa Buyer at Inspector — Bakit Ito Red Flag sa Pagbili ng Secondhand Car?

May, 2026 • Mechanigo.ph

Biglang Pina-Stop ni Seller ang Inspection at Nagalit sa Buyer at Inspector — Bakit Ito Red Flag sa Pagbili ng Secondhand Car?

Kapag bibili ng secondhand car, normal lang na gusto mong masigurado muna ang totoong kondisyon ng sasakyan bago maglabas ng malaking pera.

Kaya maraming buyers ngayon ang nagpapabook ng professional Secondhand Car Buying Inspection para maiwasan ang hidden issues, tampered mileage, flood damage, at iba pang posibleng problema.

Pero paano kung habang ini-inspect ang sasakyan, bigla itong ipahinto ng seller — at galit pa?

Ito ang nangyari sa actual inspection ng MechaniGo.ph sa Calamba, Laguna.

Ang Nangyari sa Inspection?

Nagsagawa si Technician Mark ng Secondhand Car Buying Inspection para sa isang 2014 Hyundai Accent kasama ang buyer.

Sinimulan niya ang standard inspection process:

● Engine compartment checking

● Exterior at interior inspection

● Computer scanning / OBD scan

● Initial underchassis inspection

Habang ongoing ang inspection, may ilang napansin agad na findings:

✔ Water lang ang laman ng radiator instead of proper coolant

✔ May suspected repainted panels

Pina-Stop ng Seller ang Inspection

Pagdating sa underchassis at suspension inspection, nagkomento ang seller na matagal raw ang proseso — kahit ayon sa kanya ay maayos naman ang sasakyan.

Ilang sandali, biglang kinuha ng seller ang susi ng sasakyan at pina-stop ang buong inspection nang walang malinaw na dahilan.

Pumasok umano ang seller sa kanyang opisina. Maya-maya ay lumabas muli — galit — at nagsabing:

"Bumili na lang kayo ng brand-new na sasakyan!"

Nagulat pareho si buyer at Technician sa naging reaksyon ng seller. Nagdesisyon silang umalis na para maiwasan ang mas malaking gulo.

Pagkatapos Umalis ng Buyer

Dahil sa nangyari, nagdesisyon ang buyer na umalis muna kasama ang kanyang pamilya. Habang inaayos ni Technician Mark ang kanyang mga kagamitan, bumalik ang seller — at verbal na nang-harass sa kanya gamit ang masamang salita.

Agad na naiulat ng technician ang insidente at kalmado niyang ikinuwento ang buong nangyari — binigyang-diin niya na wala siyang ideya kung bakit gayon ang naging reaksyon ng seller, lalo na dahil maayos naman ang komunikasyon ng buyer at seller bago pa magsimula ang inspection.

Nang kontakin namin ang buyer para ma-confirm ang nangyari, ayon sa kanya:

"Nauna na kaming umalis at naiwan si Technician Mark dahil inaayos pa niya ang kanyang mga tools sa motor. Hindi ko na siya nahintay dahil kasama ko ang pamilya ko at inuna ko munang mailayo sila sa lugar. Pero nang makalayo kami, agad ko siyang tinawagan para humingi ng pasensya at magpasalamat. Ikinuwento rin niya na minura siya ng seller bago siya umalis."

Nagpasalamat din ang buyer sa naging serbisyo ng MechaniGo.ph at sa propesyonalismo ni Technician Mark sa kabila ng hindi magandang karanasan sa seller.

"Nagpapasalamat ako sa serbisyo ninyo, dahil napakalaking tulong ito para sa aming mga buyer na hindi ganoon ang kaalaman sa sasakyan. Lalo na sa mga seller na parang may itinatago — kasi bakit siya magagalit o matatakot kung talagang maayos ang sasakyan niya, diba?"

Bakit Ito Red Flag para sa mga Buyers?

Hindi ibig sabihin na kapag may issue ang sasakyan ay automatic nang “bad unit” ito.

Sa totoo lang, maraming secondhand cars ang may normal wear and tear, minor repairs, o cosmetic issues. At maraming buyers naman ang willing makipag-negotiate basta transparent ang seller tungkol sa kondisyon ng sasakyan.

Ayon mismo sa buyer:

“Wala naman sa akin kung may sira ang sasakyan; kung sinabi lang niya agad, handa naman akong makipag-negotiate para sa posibleng repair.”

Ang problema hindi ang sasakyan — ang problema ay ang reaksyon ng seller. Dahil posible na may gustong itago o hindi dine-disclose nang maayos.

Kaya para sa maraming buyers, mas malaking red flag kapag:

● Ayaw ipa-complete ang inspection

● Minamadali ang proseso

● Defensive o galit agad kapag may findings

● Ayaw ipascan o ipa-check nang maayos ang sasakyan

Bakit magagalit o matatakot ang seller kung talagang maayos ang sasakyan?

Hindi Dapat Minamadali ang Inspection

Ang proper secondhand car inspection ay hindi lang simpleng tingin sa exterior o test drive. May proseso itong sinusunod para mas ma-check nang maayos ang:

● Engine condition

● Cooling system

● Underchassis

● Suspension

● Electricals

● Aircon system

● Computerized fault codes

● Signs of collision or flood damage

● Paint consistency

● Mileage discrepancies

Minsan, may findings na lumalabas habang tumatagal ang inspection — lalo na kapag mas detailed na ang checking. Kaya normal lang na magtagal ito depende sa kondisyon ng sasakyan.

Kaya kung nagmamadali angsa inspection consider this as red flag na.

Magpa-Inspect Muna Bago Bumili

Hindi lahat ng problema ng sasakyan ay makikita agad sa makinis na exterior, malamig na aircon, o maayos na test drive. May mga issues na lumalabas lang kapag gumagamit ng:

● Professional scanner

● Actual underchassis inspection

● Detailed mechanical checking

At kadalasan, saka lang nadidiskubre ang mga ito kapag nabili na — kung kailan mas magastos na ayusin.

Mas mabuti nang gumastos sa inspection kaysa mapagastos nang mas malaki sa repairs pagkatapos bumili.

Sa MechaniGo.ph Secondhand Car Buying Inspection, tutulungan ka naming mas maintindihan ang totoong kondisyon ng sasakyan bago ka magdesisyon.

✅ 179-point inspection

✅ Computer scanning / OBD scan

✅ Engine, underchassis, interior & exterior checking

✅ Check for possible hidden issues

✅ Transparent findings with complete report

✅ Certified car buying technicians

📅 Book your Secondhand Car Buying Inspection today!

📍 Serviceable Areas:

Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga • Batangas

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910