B.L.O.W.B.A.G.E.T.S. Checklist: Ihanda ang Sasakyan Mo Bago ang Long Weekend Drive!

October, 2025 • Mechanigo.ph

B.L.O.W.B.A.G.E.T.S. Checklist: Ihanda ang Sasakyan Mo Bago ang Long Weekend Drive!

Excited ka na ba sa long weekend road trip?

Pero bago ka umalis, siguraduhin muna na ready ang kotse mo para iwas aberya sa daan!

Alam mo ba kung ano ang B.L.O.W.B.A.G.E.T.S.?

Ito ang mnemonic na ginagamit ng mga motorista para tandaan ang 10 important car parts na dapat laging chine-check bago bumiyahe.

Tara, isa-isahin natin!

B – Battery

Tingnan kung may kalawang o dumi sa terminals at siguraduhin na maayos ang voltage. Kung matagal nang hindi napapalitan, ipa-check na sa mekaniko — baka biglang ayaw mag-start sa gitna ng biyahe!

L – Lights

Headlights, brake lights, signal lights, hazard lights — lahat dapat gumagana. Walang mas nakakastress kaysa sa long drive na madilim ang daan tapos mahina ang ilaw mo!

O – Oil

Check your engine oil level. Kung mababa o madumi na, time na for an oil change.

💡 Fresh oil = smoother drive + better engine health!

W – Water

Laging i-check ang tubig sa radiator at windshield washer. Mainit na biyahe + low coolant = overheat! Kaya siguraduhing puno bago umalis.

B – Brakes

Brake pads, fluid, at responsiveness — lahat dapat on point. Huwag ipagsapalaran ang safety mo. Kung may squeaking sound o humihina ang kapit, ipa-check agad.

A – Air

Check tire pressure (kasama ang spare tire) para sa tamang grip at fuel efficiency.

Too low = mabilis mapudpod.

Too high = delikado sa long drive.

G – Gas

Obvious pero madalas nakakalimutan! Siguraduhin na puno ang tangke, lalo na kung dadaan sa expressways o remote areas.

E – Engine

Observe kung may unusual noise, vibration, o amoy. Kung may duda, ipa-check muna bago bumiyahe — prevention is better than towing!

T – Tires

Bukod sa hangin, check mo rin kung may bitak o uneven wear. Palit agad kung luma o baldado na, para iwas flat tire sa gitna ng trip.

S – Self / Safety

At syempre, ikaw mismo! Siguraduhin na well-rested ka, may dalang lisensya, OR/CR, first-aid kit, at emergency tools. Drive smart, stay alert, and enjoy the trip!

Bonus Tip from MechaniGo.ph 🚗

Bago pa dumating ang long weekend, magpa-Home Service PMS (Preventive Maintenance Service) na sa MechaniGo.ph!

Hindi mo na kailangang bumiyahe papunta sa casa o talyer — kami mismo ang pupunta sa bahay mo.

✅ Casa-quality service

✅ Hassle-free booking

✅ Transparent at detailed vehicle report

📍 Available sa Metro Manila, at piling lugar ng Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, at Pampanga.

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule!

📞 Call or text us at 0908-868-8367 / 0949-886-5910