
May, 2026 • Mechanigo.ph
Coolant Level ng Sasakyan: Bakit Mahalaga at Ano ang Epekto Kapag Kulang o Sobra
Ang coolant ay isa sa pinaka-importanteng fluids sa sasakyan mo. Ito ang tumutulong para hindi mag-overheat ang engine at mapanatili ang tamang temperature habang umaandar.
Pero alam mo ba na kapag kulang o sobra ang coolant level, maaari itong magdulot ng issues sa sasakyan mo?
Sa article na ito, tatalakayin natin kung ano ang mangyayari kapag too low o too high ang coolant level — at paano ito maiiwasan.
Ano ang Role ng Coolant sa Sasakyan?
Ang coolant, o engine coolant, ay fluid na umiikot sa cooling system para kontrolin ang init ng makina habang umaandar ang sasakyan.
Habang tumatakbo ang engine, normal na umiinit ito. Trabaho ng coolant na tulungan ang radiator at cooling system na i-dissipate ang sobrang init para hindi mag-overheat ang makina.
Bukod dito, tumutulong din ang coolant para:
✔ Maiwasan ang engine overheating
✔ Mapanatili ang stable operating temperature
✔ Protektahan ang cooling system laban sa corrosion at kalawang
✔ Maiwasan ang sobrang pag-init sa matinding traffic o long drive situations
Kapag mali ang coolant level, maaaring hindi gumana nang maayos ang buong cooling system.
Ano ang Mangyayari Kapag Kulang ang Coolant?
Isa sa pinaka-common na dahilan ng engine overheating ay mababang coolant level. Kapag kulang ang coolant, hindi nito kayang maayos na kontrolin ang init ng makina, lalo na sa traffic, long drives, o mainit na panahon.
● Engine Overheating
Kapag walang sapat na coolant, mabilis tataas ang temperature ng engine. Karaniwang sintomas nito:
● Tumataas ang temperature gauge
● May warning light sa dashboard
● Mainit ang aircon o humihina ang lamig
● May usok o amoy na parang may nasusunog
Kapag pinabayaan, puwedeng tumirik ang sasakyan sa daan.
● Possible Engine Damage
Ang sobrang init ay maaaring makasira sa internal engine parts tulad ng:
● Pistons
● Cylinder walls
● Hoses at seals
● Water pump
Sa mas malalang kaso, maaari itong humantong sa major engine repair.
● Head Gasket Failure
Isa ito sa pinakamahal at pinaka-seryosong epekto ng overheating.
Ang head gasket ang nagse-seal sa pagitan ng engine block at cylinder head. Kapag nasira ito dahil sa sobrang init, puwedeng:
● Maghalo ang coolant at engine oil
● Mag-overheat nang paulit-ulit ang sasakyan
● Magkaroon ng puting usok sa exhaust
Kapag nangyari ito, madalas malaki na ang magiging gastos sa repair.
Ano Naman ang Mangyayari Kapag Sobra ang Coolant?
Akala ng iba, mas okay kapag sobra ang coolant para “sure” na hindi mag-overheat. Pero hindi rin ito recommended.
May tamang coolant level lang na sinusunod sa reservoir tank.
● Pressure Build-Up
Kapag sobra ang coolant sa reservoir, maaaring magkaroon ng excess pressure sa cooling system.
● Coolant Overflow
Kapag umiinit ang makina at sobra ang laman ng reservoir, maaaring umapaw palabas ang coolant.
● Cooling System Issues
Ang sobrang coolant ay maaaring makaapekto sa tamang expansion space sa reservoir.
Bagama’t hindi agad ito nagdudulot ng major damage sa karamihan ng kaso, maaari pa rin itong magdulot ng:
● Cooling inefficiency
● Overflow issues
Extra stress sa ilang cooling system components
👉 Kaya importante pa rin na sundin ang tamang MIN at MAX level markings.
Paano Mag-check ng Coolant Level ng Sasakyan mo?
✔ Hintaying Lumamig ang Engine
Huwag bubuksan ang radiator cap habang mainit ang makina dahil mataas ang pressure ng cooling system at maaaring tumalsik ang mainit na coolant.
✔ Hanapin ang Coolant Reservoir
Karaniwan itong transparent plastic container na may MIN at MAX markings.
✔ Tingnan ang Coolant Level
Dapat nasa pagitan lang ng MIN at MAX ang coolant level.
⚠️ Huwag mag-overfill — sundin lang ang tamang level
✔ Gumamit ng Tamang Coolant
Hindi pare-pareho coolant ng mga sasakyan. May iba’t ibang coolant types depende sa sasakyan.
Mas mabuting sundin ang recommended coolant ng manufacturer para maiwasan ang compatibility issues.
👉 Tip: Kung madalas bumababa ang coolant level, may possible leak sa system . Mga Senyales na Dapat Mo Nang Ipa-Check ang Cooling System
May mga pagkakataon na hindi sapat ang simpleng refill lang ng coolant. Magpa-check agad kapag napansin mo ang mga ito:
❌ Mabilis bumaba ang coolant level
❌ May coolant leak sa ilalim ng sasakyan
❌ Madalas mag-overheat ang makina
❌ May amoy na matamis o parang kemikal
❌ Laging umaapaw ang coolant reservoir
❌ Humihina ang lamig ng aircon kapag traffic
Sa mga ganitong kaso, mas mabuting ipa-check agad para maiwasan ang mas malaking gastos.
TIP FOR CAR OWNERS
Ang regular na coolant maintenance ay isa sa pinakamadaling paraan para maiwasan ang engine overheating. Kung kailangan ng coolant refill ang sasakyan mo, siguraduhing tamang coolant ang gagamitin.
Kung gusto mo ng convenient at hassle-free car maintenance, puwede mong subukan ang MechaniGo.ph Home Service PMS–Oil Change.
Hindi mo na kailangang bumiyahe o pumila sa casa o talyer — mechanic na ang pupunta sa bahay, condo, o office mo para gawin ang maintenance ng sasakyan mo.
📅 Book your Home Service PMS-Oil Change now!
📍 Serviceable Areas:
Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Batangas • Bulacan • Pampanga
📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule
📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910