
December, 2025 • Mechanigo.ph
Engine Tune-Up vs. PMS: Ano ang Pagkakaiba at Kailan Mo Sila Kailangan?
Maraming car owners ang nalilito sa Engine Tune-Up at Preventive Maintenance Service (PMS). Madalas pa nga, ginagamit ang dalawang terms na parang pareho lang.
Pero ang totoo—magkaiba sila, at pareho silang mahalaga para mapanatiling maayos, ligtas, at matipid sa gas ang kotse mo.
Ano ang PMS (Preventive Maintenance Service)?
Ang PMS ay ang regular check-up ng sasakyan, kadalasang ginagawa every 5,000 km o 10,000 km, depende sa car manufacturer at driving habits mo.
👉Main goal: Maiwasan ang sira bago pa ito mangyari.
Karaniwang ginagawa sa PMS:
● Change oil at oil filter replacement
● Air filter at fuel filter cleaning o replacement
● Checking ng brake pads, brake fluid, at tire condition
● Inspection ng belts, hoses, battery, lights, at coolant
● General inspection ng buong vehicle system
📌In short: Maintenance ito — para laging smooth ang takbo, fuel-efficient, at road-worthy ang sasakyan mo.
Ano naman ang Engine Tune-Up?
Ang Engine Tune-Upay mas nakatuon sa performance ng makina.
Ginagawa ito kapag napansin mong bumabagal na ang hatak, lumakas ang konsumo ng gasolina, o may unusual na tunog sa engine.
Karaniwang ginagawa sa Engine Tune-Up:
● Spark plug cleaning or replacement
● Throttle body at intake cleaning
● Ignition timing adjustment (for older vehicles)
● Checking ng sensors at fuel injectors
● Idle speed at overall engine performance testing
📌 Sa madaling sabi: Para itong “spa day” ng makina — pang-revive kapag ramdam mong pagod na ang engine.
Kailan Ka Dapat Magpa-PMS o Engine Tune-Up?
✔ PMS
● Regularly, every 5,000 km or 10,000 km
● Kahit wala ka pang nararamdamang problema
● Para iwas biglaang sira at mahal na repair
✔ Engine Tune-Up
● Kapag may noticeable drop sa performance
● Kapag malakas sa gas
● Kapag matagal nang hindi naglilinis ang engine system
Kung ikukumpara:
👉PMS = Preventive care (para iwas sira)
👉 Tune-Up = Corrective care (pag-aayos kapag may problema na)
Final Tip para sa Car Owners 🚗
Hindi dapat pagpilian ang PMS at Engine Tune-Up.
Mas maganda kung regular ang PMS, at tune-up kapag kailangan — para iwas aberya, tipid sa gastos, at mas mahabang buhay ng kotse mo.
At kung ang hanap mo ay convenient at hassle-free car maintenance, hindi mo na kailangang pumila sa casa o mag-leave pa sa trabaho.
Kami na ang pupunta sa’yo.
📅Book your Home Service PMS–Oil Change with MechaniGo.ph
📍 Serviceable Areas:
Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga
📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule
📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910