Kailan Dapat Palitan ang Car Fluids? Complete Maintenance Guide (2026)

June, 2026 • Mechanigo.ph

Kailan Dapat Palitan ang Car Fluids? Complete Maintenance Guide (2026)

Akala ng maraming car owners, engine oil lang ang kailangang bantayan. Pero may iba pang fluids sa sasakyan na kapag napabayaan, pwedeng magdulot ng overheating, mahinang preno, o kahit transmission problems.

Narito ang 6 na car fluids na dapat mong ipa-check regularly— at kung kailan sila karaniwang kailangang palitan.

1. Engine Oil

Isa ito sa pinakamahalagang fluids sa sasakyan. Kapag overdue na ang oil change, maaaring mas mabilis ang wear ng makina at bumaba ang performance nito.

Karaniwang replacement interval:

● Mineral Oil – bawat 5,000 km

● Semi-Synthetic Oil – bawat 7,000–8,000 km o 3 na buwan

● Fully Synthetic Oil – bawat 10,000 km o 6 na buwan

Mga senyales na baka due na ang oil change:

● Mas maingay ang makina

● Mas malakas sa gasolina

● May engine warning light

● Hindi na kasing smooth ang takbo

2. Coolant

Ang coolant ang tumutulong para mapanatiling nasa tamang temperature ang makina at maiwasan ang overheating.

Karaniwang replacement interval:

Bawat 2 taon o 40,000–60,000 km, depende sa coolant type at manufacturer recommendation

Mga senyales na dapat ipa-check:

● Tumataas ang temperature gauge

● Madalas mabawasan ang coolant level

● Nag-o-overheat ang sasakyan

● May tagas sa ilalim ng sasakyan

⚠️ Paalala: Huwag basta tubig lang ang ilagay sa radiator. Ang tamang coolant-water mixture ay nakakatulong para maiwasan ang overheating, kalawang, at corrosion sa cooling system. Sundin ang coolant specification na nire-recommend ng manufacturer ng iyong sasakyan.

3. Brake Fluid

Mahalaga ang brake fluid para sa maayos na performance ng preno.

Karaniwang replacement interval:

Bawat 2 taon

Mga senyales na dapat ipa-check:

● Lumalalim ang tapak ng preno

● Parang "spongy" ang brake pedal

● May brake warning light

● Hindi kasing responsive ang preno

4. Transmission Fluid

Ang transmission fluid ay tumutulong para maging smooth ang pag-shift ng gears.

Karaniwang replacement interval:

● Automatic Transmission – 40,000–60,000 km

● CVT Transmission – 40,000–60,000 km

● Manual Transmission – 40,000–60,000 km

Mga senyales na baka due na:

● Jerking habang umaandar

● Delayed shifting

● Hirap pumasok ang gear

● May kakaibang tunog mula sa transmission

5. Power Steering Fluid

Para ito sa mga sasakyang gumagamit ng hydraulic power steering system para magaan ang pagliko.

Karaniwang replacement interval:

40,000–50,000 km

Mga senyales na dapat ipa-check:

● Bumibigat ang manibela

● May whining sound kapag lumiliko

● May steering fluid leak

Note: Maraming newer vehicles ngayon ang naka-Electric Power Steering (EPS) na at wala nang power steering fluid. Kung hindi ka sigurado kung alin ang ginagamit ng iyong sasakyan, i-check ang owner's manual o itanong sa mechanic sa susunod na PMS mo.

6. Differential Fluid

Karaniwang makikita ito sa maraming SUV, pickup, at AWD o 4WD vehicles. Ito ang nagpo-protect sa ring at pinion gears na responsible sa pag-transfer ng power papunta sa gulong.

Karaniwang replacement interval:

40,000–60,000 km

Mga senyales na dapat ipa-check:

● May vibration habang umaandar

● Maingay ang ilalim ng sasakyan

● May ugong mula sa drivetrain

replacement-interval-guide.png

Hindi sabay-sabay pinapalitan ang lahat ng fluids ng sasakyan. Pero mahalagang regular silang chine-check — kasi ang maliliit na bagay na napabayaan ngayon ang magiging malaking gastos bukas.

Kung hindi mo na maalala kung kailan huling napalitan ang mga fluids mo, or kung kailan ang huling PMS ng iyong sasakyan — ngayon na ang tamang oras para magpa-check.

Due Na ang Maintenance Mo? Kami Na ang Pupunta sayo

Sa MechaniGo.ph Home Service PMS–Oil Change, kami ang pupunta sa bahay, opisina, o parking area mo para mas madali mong maasikaso ang maintenance ng iyong sasakyan.

📅 Book your Home Service PMS–Oil Change today — starts at ₱4,399.

📍 Serviceable Areas:

Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga • Batangas

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910