Long Drive Ready na ba ang Kotse mo? Alamin ang complete long drive checklist sa Pilipinas at siguraduhing ready ang sasakyan mo bago bumiyahe.

March, 2026 • Mechanigo.ph

Long Drive Ready na ba ang Kotse mo? Alamin ang complete long drive checklist sa Pilipinas at siguraduhing ready ang sasakyan mo bago bumiyahe.

Excited ka na ba sa long drive? Road trip with family, outing with barkada, o uwi sa probinsya—mas masaya lahat ‘yan kung walang aberya sa daan.

Pero reality check: Maraming sasakyan ang tumitirik hindi dahil sa major sira, kundi sa simpleng bagay na hindi na-check bago umalis—tulad ng mababang engine oil, kulang na coolant, mahina na battery, o pudpod na gulong.

👉 Good news: Maiiwasan mo ‘yan kung prepared ka.

Narito ang complete long drive checklist sa Philippines na dapat sundin ng bawat car owner para siguradong safe, smooth, at hassle-free ang biyahe.

COMPLETE CAR CHECKLIST BAGO MAG LONG DRIVE

1. ENGINE OIL

Isa sa pinakamahalagang fluid ng sasakyan ang engine oil dahil ito ang naglu-lubricate at nagpo-protect sa mga moving parts ng makina laban sa friction at overheating.

Bago mag long drive:

✔ I-check ang oil level gamit ang dipstick

✔ Siguraduhing nasa tamang level (hindi kulang o sobra)

✔ Tingnan ang oil condition—kung malapot, may sludge, o lampas na sa PMS schedule, dapat nang palitan

✔ Kung malapit na sa next change oil schedule, mas mabuting magpa-change oil muna

❗ Kapag kulang o marumi ang engine oil, maaaring magdulot ito ng overheating, poor engine performance, at posibleng engine damage habang nasa biyahe.

2. COOLANT LEVEL

Ang coolant ang tumutulong para hindi mag-overheat ang makina, lalo na sa mahabang biyahe.

Bago bumiyahe:

✔ Tingnan kung sapat ang coolant sa reservoir

✔ Siguraduhing walang leak sa radiator o hoses

✔ Gumamit ng tamang coolant mixture (hindi pure water lang) para maiwasan ang kalawang at overheating

Kapag kulang ang coolant, maaaring mag-overheat ang makina sa gitna ng biyahe.

3. BRAKE SYSTEM

Ang preno ang isa sa pinaka-importanteng safety components ng sasakyan.

I-check ang mga sumusunod:

✔ Brake pedal response

✔ Brake fluid level

✔ Unusual noise kapag nagpe-preno

Kung napapansin mong maingay o mahina ang preno, mas mabuting ipa-check muna bago bumiyahe.

4. TIRE CONDITION AND TIRE PRESSURE

Ang gulong ang direktang kumokonekta sa sasakyan at sa kalsada.

Bago mag long drive:

✔ I-check kung tama ang tire pressure

✔ Tingnan kung may cracks o manipis na tread

✔ Siguraduhing maayos ang spare tire

✔ Check tire age (5+ years old = mas mataas risk ng blowout kahit makapal pa)

Ang maling tire pressure ay maaaring magdulot ng poor fuel efficiency at mas mataas na risk ng blowout.

5. CAR BATTERY

Mahirap ma-stranded sa daan dahil sa dead battery.

Bago bumiyahe:

✔ I-check kung malinis ang battery terminals

✔ Siguraduhing mahigpit ang connections

Check battery age (karaniwan 2–3 years lifespan)

✔ Kung hirap mag-start, possible sign ng weak battery

Ang battery failure ay isa sa pinaka-common na dahilan ng car breakdown.

6. LIGHTS AND SIGNALS

Siguraduhing gumagana ang lahat ng ilaw ng sasakyan.

✔ Headlights

✔ Brake lights

✔ Signal lights

✔ Hazard lights

Mahalaga ito lalo na kung gabi ang biyahe o may bad weather conditions.

7. WINDSHIELD WIPERS AND WASHER FLUID

Ang malinaw na visibility ay mahalaga sa safe driving.

Bago bumiyahe:

✔ I-check kung maayos pa ang wiper blades

✔ Siguraduhing may sapat na washer fluid

Lalo itong mahalaga kung may ulan o maalikabok na kalsada sa dadaanan.

8. EMERGENCY KIT

Bukod sa kondisyon ng sasakyan, mahalaga ring may emergency items sa loob ng kotse.

Recommended na dalhin:

✔ Early warning device

✔ Jumper cables

✔ Flashlight

✔ Basic tools

✔ First aid kit

Makakatulong ang mga ito sa unexpected situations sa biyahe.

9. AIR CONDITIONING SYSTEM

Siguraduhing maayos ang lamig ng aircon para mas komportable ang biyahe, lalo na kung malayo ang byahe.

10. CAR DOCUMENTS

Dalhin ang mga ito kung sakaling kailanganin sa checkpoint o emergency:

✔ Updated OR/CR (Official Receipt / Certificate of Registration)

Driver’s license

Insurance documents (kung meron)

11. FUEL LEVEL AND ROUTE PLANNING

Bago umalis, siguraduhing sapat ang fuel ng sasakyan:

✔ Magpa-gas muna kung mahaba ang biyahe

✔ Planuhin ang ruta at gas stations na dadaanan

✔ I-check ang traffic conditions

Para maiwasan ang unnecessary delays o pagka-stranded sa daan.

Ang mga simpleng paghahandang ito ay makakatulong para maging mas comfortable at stress-free ang byahe mo.

BAKIT MAS MABUTING MAGPA-CAR MAINTENANCE MUNA BAGO MAG LONG DRIVE?

Kung matagal nang hindi napapa-check ang sasakyan, mas mabuting magpa-inspection muna bago bumiyahe ng malayo.

Recommended ito kung:

✔ Lampas na sa scheduled PMS (Preventive Maintenance Service)

✔ May napapansin kang unusual sounds o vibrations

✔ Matagal nang hindi napapalitan ang engine oil o fluids

Ang regular car maintenance ay nakakatulong para maiwasan ang unexpected breakdown habang nasa biyahe.

MGA BENEPISYO NG PAG-CHECK BAGO BIYAHE

✔ Iwas breakdown

✔ Mas safe ang biyahe

✔ Tipid sa repair expenses

✔ Mas smooth ang road trip

Ang ilang minuto ng inspection ay maaaring makaiwas sa oras ng aberya sa kalsada.

MGA TRAVEL ESSENTIALS PARA SA LONG DRIVE

Bukod sa pag-check ng kondisyon ng sasakyan, mahalaga rin na may mga basic items ka sa loob ng sasakyan.

Ilang essential items na pwedeng dalhin:

DRIVER CONVENIENCE ITEMS

Para mas maging comfortable ang driver lalo na sa mahabang oras ng pagmamaneho.

✔ Drinking Water

✔ Snacks o Light Food

✔ Wet Wipes o Tissue

✔ Alcohol o Hand Sanitizer

NAVIGATION AND COMMUNICATION

✔ Power Bank

✔ Charger

✔ Mobile Phone Holder para sa navigation apps

✔ Updated navigation apps tulad ng Google Maps o Waze

Para maiwasan maligaw o ma-stranded dahil sa low battery ang devices.

PASSENGER COMFORT ITEMS

Kung may kasama kang pamilya o barkada, makakatulong ang mga ito para maging mas komportable ang biyahe.

✔ Small Pillow o Neck Pillow

✔ Light Blanket o Jacket

✔ Motion Sickness Medicine

✔ Plastic Bags kung sakaling may mahilo sa biyahe

Mas nagiging mas relaxed at enjoyable ang road trip kapag prepared ang sasakyan para sa comfort ng passengers.

EXTRA TRAVEL ESSENTIALS

Maganda ring may ilang backup items lalo na kung mahaba ang biyahe o dadaan sa malalayong lugar.

✔ Extra cash para sa toll fees o emergency expenses

✔Offline maps kung sakaling mawalan ng signal

✔ Extra mobile data o load

Ang mga simpleng paghahandang ito ay makakatulong para maiwasan ang hassle o inconvenience habang nasa long drive.

BOOK YOUR HOME SERVICE PMS OIL CHANGE TODAY

Siguraduhing road-ready ang sasakyan mo—kami na ang pupunta sa’yo.

✅ No byahe

✅ No pila

✅ No hassle

📍 Serviceable Areas: Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910