Mga Road Pavement Lines sa Pilipinas: Kahulugan, Gamit, Pagkakaiba at Mga Regulasyon

January, 2026 • Mechanigo.ph

Mga Road Pavement Lines sa Pilipinas: Kahulugan, Gamit, Pagkakaiba at Mga Regulasyon

Kapag nagmamaneho o nagbibisikleta ka sa Pilipinas—sa lungsod man o probinsya—mapapansin mo ang iba’t ibang linya at marka sa kalsada. Hindi lang ito disenyo o pintura. Ang mga ito ay opisyal na traffic control devices na may legal na bisa.

Mahalagang maintindihan ang road pavement markings upang:

✔️ Maiwasan ang aksidente

✔️ Makasunod sa batas trapiko

✔️ Makaiwas sa multa at traffic violation

Ang mga patakarang ito ay ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga LGUs, alinsunod sa umiiral na traffic rules sa Pilipinas.

Ano ang Road Pavement Markings?

Ito ay mga linya, simbolo, at marka na ipinipinta sa kalsada upang:

● Gabayan ang daloy ng trapiko

● Ihiwalay ang mga lane at direksyon ng sasakyan

● Ipaalam kung saan dapat huminto, lumiko, o magbigay-daan

Iba’t Ibang Uri ng Linya sa Kalsada at Kahulugan Nito

1. Puting Solid Line - Hindi puwedeng lumipat ng lane o mag-overtake

❌ Bawal tumawid o mag-overtake

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (SINGLE SOLID WHITE LINE).png

2. Puting Broken Line - Puwedeng magpalit ng lane kung ligtas

✅ Allowed with caution

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (BROKEN WHITE LINE).png

3. Dilaw na Solid Line - Hiwalay ng magkasalungat na trapiko

❌ No overtaking

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (DILAW NA SOLID LINE).png

4. Dilaw na Broken Line - Puwedeng mag-overtake kung ligtas

✅ With extra caution

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (DILAW BROKEN LINE) (2).png

5. Double Yellow Line - Mataas ang panganib ng banggaan

❌ Mahigpit na bawal mag-overtake

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (DOUBLE YELLOW LINE).png

Channelizing Lines sa Pilipinas (WHITE at YELLOW)

Ano ang Channelizing Lines?

Ito ay mga diagonal o chevron-style markings (parang pahilis na guhit) na ginagamit upang:

● I-guide ang sasakyan sa tamang lane

● Ihiwalay ang daloy ng trapiko

● Pigilan ang pagpasok sa delikadong bahagi ng kalsada

Karaniwan itong makikita sa:

✅ Intersections

✅ Merging at diverging lanes

✅ Expressway entrances at exits

✅ Road obstructions at island dividers

1. White Channelizing Lane - Gumagabay sa mga sasakyan na pareho ang direksyon ng takbo

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (CHANNELIZING LINES) (2).png

Regulasyon:

❌ Bawal dumaan, huminto, o mag-park sa loob

❌ Hindi ito additional lane

👉 Ginagamit bilang guide lamang, hindi daanan ng sasakyan.

2. Yellow Channelizing Lane - Naghihiwalay ng magkasalungat na daloy ng trapiko

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (CHANNELIZING LINES).png

Karaniwang makikita sa:

✅ Intersection islands

✅ Median openings

✅ Delikadong merging areas

Regulasyon:

❌ Mahigpit na bawal pasukin

❌ Bawal gamitin sa overtaking at U-turn

👉 Mas mataas ang risk ng aksidente kapag nilabag.

Bike Lane sa Pilipinas

Ano ang Bike Lane?

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (BIKE LANE).png

Ito ay nakalaang lane para sa mga bisikleta, kadalasang:

● Kulay asul o berde

● May bike symbol

● Hiwalay sa sasakyan gamit ang solid o dashed line

Layunin nito na: ✔️ Protektahan ang mga siklista

✔️ Maiwasan ang aksidente

✔️ Magbigay ng maayos na espasyo sa kalsada

Regulasyon sa Bike Lane

Para sa mga Motorista:

❌ Bawal pumasok o dumaan sa bike lane

❌ Bawal mag-park o humarang

❌ Bawal gamitin bilang overtaking lane

Para sa mga Siklista:

✅ Gumamit ng bike lane kung available

✅ Sumunod sa traffic lights at road signs

Kailan Lang Puwedeng Tumawid sa Bike Lane?

Kapag:

✅ Papasok o palabas ng driveway

✅ Liliko sa intersection

✅ May dashed line na marking

⚠️ Laging magbigay-daan sa siklista at magdahan-dahan.

Intersection Markings sa Pilipinas

Ano ang Intersection Markings? Ito ay mga linya at simbolo sa kalsada na gumagabay sa mga sasakyan kapag papasok o tatawid sa intersections o sangandaan.

Layunin nito na:

✅ Maiwasan ang sabayang galaw ng sasakyan

✅ Maging maayos ang pagliko at pagtawid

✅ Bawasan ang traffic at aksidente

Mga Karaniwang Intersection Markings

1. Stop Line - Makapal na puting linya bago ang intersection o traffic light

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (STOP LINE).png

❌ Bawal lampasan kapag pula ang ilaw o may STOP sign

2. Pedestrian Lane (Zebra Crossing) - Puting guhit para sa tawiran ng tao

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (PEDESTRIAN LANE).png

✅ Obligadong magbigay-daan ang sasakyan sa pedestrian

3. Directional Arrows - Mga arrow na nagsasaad kung saan lang puwedeng lumiko o dumiretso

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (DIRECTIONAL LINE).png

✅ Sundin ang arrow; bawal ang biglang liko

4. Yellow Box (Box Junction) - Dilaw na kahon sa gitna ng intersection

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS (YELLOW JUNCTION BOX).png

❌ Bawal pumasok kung hindi pa clear ang lalabasan

❌ Bawal huminto sa loob ng box

Kulay ng Linya at Ibig Sabihin

ROAD LINES AND PAVEMENT MARKINGS.png

Karaniwang Paglabag sa Road Markings:

🚫 Pagharang sa pedestrian lane

🚫 Pagpasok o pag-park sa bike lane

🚫 Paglampas sa stop line

🚫 Paghinto sa yellow box junction

👉 Lahat ng ito ay may katumbas na traffic violation at multa.

Ang pag-unawa sa road pavement lines sa Pilipinas ay hindi lang para makaiwas sa huli—ito ay para sa kaligtasan mo, ng pasahero mo, at ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

🚗 Tip: Bago bumiyahe, siguraduhing road-ready hindi lang ang driver—kundi pati ang sasakyan.

📅 Book your Home Service PMS–Oil Change with MechaniGo.ph bago bumiyahe.

📍 Serviceable Areas: Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910