Akala ng Buyer Jackpot na ang Toyota Alphard—Pero Sunod-Sunod ang Lumabas na Red Flags sa Inspection!

June, 2026 • Mechanigo.ph

Akala ng Buyer Jackpot na ang Toyota Alphard—Pero Sunod-Sunod ang Lumabas na Red Flags sa Inspection!

Kapag bumibili ng secondhand car, madaling maengganyo sa sasakyang mukhang malinis at presentable sa unang tingin. Ngunit hindi lahat ng problema ay nakikita agad sa exterior.

Sa isang Secondhand Car Buying Inspection na isinagawa ng MechaniGo.ph para sa isang 2019 Toyota Alphard sa isang used car dealership sa Manila, natuklasan na kahit maayos tingnan ang sasakyan mula sa labas, may ilang seryosong isyu na maaaring magdulot ng malaking gastos sa susunod na may-ari.

Mga Natuklasan sa Inspection

Sa masusing pagsusuri ng aming Technician, nakita ang mga sumusunod na findings:

● Active engine oil leak

● Fault codes na nakita sa vehicle system scan

● Tubig ang laman ng coolant reservoir imbes na tamang coolant

● Worn-out brake pedals

● Overused o "laspag" na interior condition

● Damage sa front bumper

● Damage sa headlight

● Repainted ang right-side body panel

1. Active Oil Leak sa Makina

oil-leak.mp4

Isa sa pinakamalaking concern na nakita ay ang active engine oil leak sa paligid ng engine block at oil pan.

Kapag hindi agad naayos ang oil leak, maaaring bumaba ang oil level ng makina na posibleng magdulot ng accelerated wear sa internal engine components. Sa mas malalang sitwasyon, maaari itong humantong sa major engine repairs na as malaking gastos kung hindi ito maagang natugunan.

2. Tubig Lang ang Nasa Cooling System

water-on-coolant reservoir.jpg

Napansin din na plain water lang ang ginagamit sa coolant reservoir imbes na coolant.

Bagama't maraming motorista ang gumagamit ng tubig bilang pansamantalang solusyon, hindi ito ang recommended fluid para sa cooling system ng sasakyan.

Ang tamang coolant ay may additives na tumutulong laban sa kalawang, corrosion, at overheating.

Kapag tubig lamang ang ginagamit sa mahabang panahon, maaaring magkaroon ng rust buildup sa cooling system at bumaba ang efficiency nito — na posibleng humantong sa engine overheating.

3. Hindi Tugma ang Interior sa Itsura ng Sasakyan

Sa loob ng sasakyan, kapansin-pansin ang matinding pagkagamit ng ilang components. Kasama rito ang:

● Worn-out brake pedals

● Mga upuang may senyales ng matagal at mabigat na paggamit

● Dashboard na may signs of wear

● Maruming interior condition

Ang ganitong mga findings ay maaaring indikasyon na hindi inaalagaan nang maayos ang sasakyan kaysa sa ipinapakita ng pangkalahatang itsura nito mula sa labas.

Mga Senyales ng Dating Damage

Sa exterior inspection, nakita rin ang:

● Damage sa front bumper

● Damage sa isang headlight

● Repainted na right-side body panel

Kapag repainted ang ilang bahagi ng sasakyan, hindi nangangahulugang may major accident. Gayunpaman, isa itong bagay na dapat masuri nang mabuti dahil maaari itong indikasyon ng dating collision o body repair.

Rekomendasyon ng Inspector

Pagkatapos ng masusing inspection, inirekomenda ng Technician na huwag ituloy ang pagbili ng unit. Ipinaliwanag niya ang mga posibleng repairs na kailangan at binigyang-diin na ang active oil leak, kung hindi agad aayusin, ay maaaring humantong sa malaking gastos sa engine damage.

Nasiyahan ang buyer sa naging inspection at nagpahayag:

"Makinis lang pala sa exterior pero laspag ang makina at interior."

Kaya tandaan na ang exterior appearance ng sasakyan ay hindi laging salamin ng tunay na kondisyon nito.

Bakit Mahalaga ang Pre-Purchase Inspection?

Ang kasong ito ay isang malinaw na halimbawa kung bakit hindi sapat ang visual inspection lamang kapag bumibili ng used car sa Philippines.

Sa unang tingin, maaaring mukhang maayos at presentable ang unit. Ngunit sa mas malalim na pre-purchase car inspection, lumabas ang iba't ibang mechanical, cosmetic, at maintenance-related concerns — kasama na ang active oil leak na posibleng humantong sa major engine damage kung hindi natuklasan bago bumili.

Ang isang professional inspection ay makakatulong para:

✅ Makita ang mga hidden issues bago bumili — tulad ng oil leak at fault codes sa Alphard na ito

✅ Maiwasan ang mahal na repairs pagkatapos ng purchase

✅ Magkaroon ng mas malinaw na assessment ng kondisyon ng sasakyan

✅ Magkaroon ng mas matibay na negotiating power sa seller

Ano ang active engine oil leak at bakit ito delikado?

Ang active engine oil leak ay tumutukoy sa patuloy na pagtulo ng oil mula sa engine. Kapag bumaba ang oil level ng makina, nagkakaroon ng friction ang internal engine parts na posibleng magdulot ng overheating, premature wear, at sa mas malalang kaso, major engine damage na mahal ayusin.

Bakit hindi dapat gumamit ng tubig sa coolant reservoir?

Ang plain water ay walang additives na nagpoprotekta sa cooling system laban sa kalawang at corrosion. Sa matagal na paggamit, maaaring mag-rust ang mga bahagi ng cooling system at bumaba ang efficiency nito — na posibleng humantong sa engine overheating.

Dapat ba akong magpa-inspect kahit mula sa kilalang dealership ang sasakyan?

Oo. Ang inspection na ito ay isinagawa sa isang used car dealership sa Manila — at natuklasan pa rin ang maraming hidden issues. Ang professional pre-purchase inspection ay mahalaga kahit saan ka bumili ng secondhand car.

Magpa-Inspect Bago Bumili

Sa MechaniGo.ph Secondhand Car Buying Inspection, susuriin namin ang sasakyan gamit ang aming 179-Point Vehicle Inspection, Vehicle System Scanning, at Mechanical Components Check — para matulungan kang malaman ang tunay na kondisyon ng sasakyan bago ka maglabas ng pera.

Dahil minsan, ang sasakyang mukhang maayos sa labas ay maaaring may mga problemang hindi agad nakikita ng ordinaryong buyer.

📅 Book your Secondhand Car Buying Inspection today!

📍 Serviceable Areas:

Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga • Batangas

📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule

📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910