
January, 2026 • Mechanigo.ph
TPL vs. Comprehensive Car Insurance sa Pilipinas: Ano ang Coverage at Alin ang Mas Kailangan Mo?
Isa sa mga pinakamahalagang requirements kapag bumibili o nagmamay-ari ng sasakyan sa Pilipinas ay car insurance. Pero para sa maraming car owners—lalo na first-time owners—madalas pa ring nakakalito ang pagkakaiba ng TPL (Third-Party Liability Insurance) at Comprehensive Car Insurance.
Kung iniisip mo kung alin ang mas kailangan mo, o kung sapat na ba ang TPL lang, basahin ang gabay na ito para malinaw mong maintindihan ang coverage, limitasyon, at kung alin ang mas praktikal para sa’yo.
Ano ang TPL Insurance?
Ang TPL (Compulsory Third-Party Liability Insurance) ay required ng Land Transportation Office (LTO) bago ka makapagrehistro ng sasakyan.
Coverage ng TPL Insurance
● Sagot nito ang gastos kung may nasaktan o namatay na ibang tao dahil sa aksidenteng ikaw ang may kasalanan
● Hindi nito sakop ang pinsala sa sarili mong sasakyan
● Hindi rin sakop ang sarili mong medical expenses
Simpleng paliwanag:
👉 Proteksyon ito para sa ibang tao, hindi para sa kotse mo.
Kaya kahit may TPL ka, kapag nabangga o nasira ang sarili mong sasakyan, ikaw pa rin ang gagastos sa repair.
Ano ang Comprehensive Car Insurance?
Ang Comprehensive Car Insurance ay optional, pero mas malawak ang coverage kumpara sa TPL.
Coverage ng Comprehensive Insurance:
● Pinsala sa sariling sasakyan (banggaan, sunog, o aksidente)
● Theft o carnapping
● Acts of nature tulad ng bagyo, baha, at lindol
● Sakop din ang third-party damages, katulad ng TPL
Simpleng paliwanag:
👉 Proteksyon ito hindi lang sa ibang tao, kundi pati sa’yo at sa kotse mo.

Bakit Mahalaga ang Car Insurance sa Pilipinas?
Sa Pilipinas, kung saan karaniwan ang malalakas na ulan, pagbaha, at masisikip na kalsada, mas mahalaga ang tamang car insurance.
Narito kung bakit mahalaga ang car insurance:
-
Legal Requirement – Hindi ka makakapagrehistro sa LTO kung walang TPL
-
Financial Protection – Iwas biglaang gastos sa aksidente o kalamidad
-
Peace of Mind – May sasalo sa’yo kapag may hindi inaasahang mangyari
Isang aksidente o biglaang pagbaha lang ay puwedeng magdulot ng malaking gastos kung hindi insured ang sasakyan.
Tandaan: Ang insurance ay panangga sa aksidente — pero ang regular PMS ang pang-iwas dito.
Kahit insured ang kotse mo, mas mababa pa rin ang risk ng claims, breakdown, at aberya kung well-maintained ang sasakyan.
📅 Book your Home Service PMS–Oil Change with MechaniGo.ph bago bumiyahe.
📍 Serviceable Areas:
Metro Manila • Rizal • Cavite • Laguna • Bulacan • Pampanga
📩 Message us on Facebook or click the button below to schedule
📞 Call or text: 0908-868-8367 / 0949-886-5910